::Mula sa aklat na Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Batayang Aklat sa Filipino 1) nina Lilia F. Antonio, Josefina C. Mangahis, Rhoderick V. Nuncio at Corazon M. Javillo. Mabibili sa C&E bookstore na may branch sa Dapitan, likod ng UST::
Proseso ng Pagsulat
1. Pagtatanong at pag-usisa
***nabubuo rito ang paksa ng sulatin
***pangunahing simula ng isang masinop na pananaliksik.
2. Pala-palagay
***habang wala pang tiyak na balangkas at daloy ng pagtalakay sa paksang susulatin, naghahain muna ng haka-haka ang manunulat
***iisa-isahin ng manunulat ang sanhi at bunga ng pangyayari habang nag-iisip kung paano bubuuin ang balangkas ng paksang napili
***nakararamdam ng pagkabalisa ang manunulat sa yugtong ito dahil patuloy siyang naghahanap ng kasagutan sa kanyang mga tanong at maaari pang biglang sumulpot ang iba pang tanong
***kadalasan, ito ang pinakamahabang bahagi sa proseso ng pagsulat
***a.k.a. incubation period
3. Inisyal na pagtatangka
***ito ang yugto kung saan tatangkain o susubukan ng manunulat na ayusin ang panimulang datos, pala-palagay at iba pang impormasyon para makabuo ng balangkas
4. Pagsulat ng unang borador
***sinusulat ang unang borador pag handa na ang sanggunian at maayos na ang daloy ng balangkas
***dito binubuhos ng manunulat ang kasanayan at kaalaman sa pagsulat ng papel
5. Pagpapakinis ng papel
***kapag tapos na ang unang borador, binabasa ulit ito upang makita ang mga mali sa ispeling, sa gramatika at paggamit ng salita, pati na rin ang daloy ng pagpapahayag, impormasyon at katwirang nakapaloob sa komposisyon
6. Pinal na papel
***kapag nasuyod nang mabuti ang teknikal na bahagi ng nilalaman, maaari na itong ipasa at ipabasa sa guro o sa iba pang susuri nito
Organisasyon ng Teksto
Apat na bahagi ng sulating pang-akademiko:
- Titulo o Pamagat
Naglalaman ng titulo o pamagat ng papel, pangalan ng sumulat, petsa ng pagsulat o pagpasa, o iba pang impormasyong tutukuyin ng guro.
- Introduksyon o Panimula
Karaniwang isinasaad nito ang paksa, kahalagahan ng paksa, dahilan ng pagsulat ng paksa at pambungad na pagtalakay sa daloy ng papel.
- Katawan
Matatagpuan na dito ang pangunahing pagtalakay sa paksa – ang pangangatwiran, pagpapaliwanag, pagsasalaysay, paglalarawan at paglalahad.
- Kongklusyon
Nakasaad naman sa bahaging ito ang mahahalagang puntos ng papel. Inilalahad din ang napatunayan o napag-alaman batay sa paglalahad at pagsusuri ng mga impormasyong ginamit sa papel o sa pananaliksik.
*Actually, hindi iyan ang eksaktong nilalaman ng nasabing aklat. May mga ni-rephrase na ako dyan. Medyo ni-revise ko ng kaunti dahil para talaga iyan sa pag-uulat ng aming pangkat sa Filipino.*
-plowtee-
