yeah, that’s from the song we composed last Christmas. (story could be found at my blogger.)
Uuwi kami sa Bicol on 23, we are going to spend Christmas there then we’ll go back here sa Cavite to spend New Year and the rest. I know kasi na hindi kami makakauwi sa summer, eh gusto kong makasama lolo and lola ko tsaka yung ibang relatives ko na rin.
Goodluck na lang sa group ko sa Filipino. Bat ba kasi hindi na lang written yung quiz eh. Ayan tuloy, wala pa kaming nagagawa, ni hindi pa naman alam kung sino mga kagrupo namin. Tapos kelangan din yung 30 references sa library paper sa English. Sana wala na lang kasi may book report na nga eh. Or sana next year na lang. Pero ang wish ko talaga sana tumugtog ang Sponge Cola sa paskuhan on 19, tapos sana walang pasok after ng paskuhan, tapos sana pwede mag-civilian, tsaka sana wala ring PE. hehe.
Ayun, still receiving comments from people who got their homework or report about teorya ng pagbasa here sa site na to.
Oh well, napakalupit ng tadhana at hindi pa ko pumasa sa ICS2, walang pumasa, Kamusta naman yun?! hay…
Kinakabahan pa rin ako sa history. hehe
Nga pala, 1 week kong binasa yung Little Women, hindi kasi ako straight magbasa eh, I mean sa isang seat mkaka 3 chapters lang ako. Eh 23 chapters yun. Maganda siya ha, kasi it’s about being contented with what you have. Hindi naman sila ganung kahirap, pero hindi din ganung kayaman, pero naiinggit sila sa mga girls na talagang luxurious, so ayun, natuto sila to be contented with that they have. It’s super applicable sa buhay ng tao. Kasi parang ako, hindi naman ako mahirap, pero hindi din naman super yaman. Medyo naiinggit ako sa ibang may magagandang cellphone, gusto ko kasi yung clam style na samsung or sony ericsson. Pero dahil hindi namin yun maafford (not really financially but because mas marami kaming priorities), syempre stuck muna ako sa phone ko. Naiisip ko na lang na buti pa nga ako may phone na tapos lagi pang may load. Hindi pa nauubos yung load ko may nakapila na agad na either 300 or 500 na prepaid card, tapos colored naman yung phone ko, may malaking memory kahit papano tsaka maganda pa rin yung dating. Eh alam kong may mga taong naghahangad na magkaroon ng phone na ganun or gustong magkaroon ng pambili ng load. Kaya ayun, in that way I feel blessed, and mas lalo ko pang na-realize yung mga ganung bagay nung nabasa ko yung Little Women.
Oh well, itutuloy ko na yung paghahanap ng references. Nakakaburat naman yung Globe! walang unlitext all day, magsa-Sun na lang tuloy ako tsaka hihiramin ko sa kapatid ko yung Smart niya, medyo pagtyatyagaan ko na lang muna yung unlitext day.(huwatt?!)