LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
Ito ang pinakahuling kabanata ng pamanahong papel. Mahalaga ito dahil dito nilalagom ang mga nakalap na datos, inilalahad ang generalization batay sa mga nakalap na datos at imposrmasyon, at ibinibigay ang rekomendasyon sa mga kinauukulan para sa posibleng kalutasan ng mga suliranin.
Tagubilin sa pagsulat ng Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon (Methods of Research and Thesis Writing, Calderon and Gonzales 1993):
Lagom:
- Sinisimulan sa maikling pahayag tungkol sa mga pangunahing layunin ng pag-aaral, mga respondente, saklaw, limitasyon at panahon ng pag-aaral, pamamaraan at instrumentong ginamit, at disenyo ng pananaliksik.
- Ilahad ang lagom sa paraang tekstwal at numerikal.
- Huwag gumawa ng mga deduction, inference at interpretasyon sa lagom.
- Dapat ilahad ang mga importanteng tuklas at haylayt ng mga datos, lalo na iyong pagbabatayan ng kongklusyon.
- Hindi na dapat ipaliwanag pang muli ang mga datos at impormasyon.
- Gawin itong maikli at tuwiran.
- Huwag magdaragdag ng mga bagong datos at impormasyon.
Kongklusyon:
- Dapat ay nakabatay ito sa lohika ng mga datos at impormasyong nakalap.
- Dapat masagot ng tama ang mga katanungang nakasaad sa Layunin ng Pag-aaral.
- Dapat matukoy dito ang paktwal na napag-alaman sa inkwiri.
- Huwang bumuo ng kongklusyong batay sa mga implayd o indirektang epekto ng mga impormasyon.
- Gawin itong maikli, ngunit siguraduhing naihayag ang kailangang resulta na hinihingi sa mga tiyak na tanong sa Layunin ng Pag-aaral.
- Maging tiyak sa paglahad ng konklusyon.
- Ilimita ang kongklusyon sa paksa, saklaw at panahon ng pag-aaral.
- Ang kongklusyon ay hindi dapat pag-uulit lamang ng mga pahayag sa ibang bahagi ng pamanahong papel.
Rekomendasyon:
- Layunin nitong lutasin ang suliraning natuklasan sa pag-aaral.
- Hindi dapat magrekomenda ng solusyon sa suliraning hindi naman natuklasan sa pag-aaral.
- Dapat maging praktikal, naisasagawa, nakakamit, makatotohanan at makatarungan ang rekomendasyon.
- Dapat maging balid at lohikal.
- Dapat ipatungkol ito sa sinumang indibidwal na may kakayahang ipatupad ang bawat rekomendasyon.
- Kung may mabuting bagay na natuklasan, irekomenda ang pagpapanatili, pagpapatuloy at pagpapabuti niyon.
- Maaaring magrekomenda sa iba pang mananaliksik na lalo pang palawakin ang pag-aaral na iyon upang mapatotohanan ang mga natuklasan sa pag-aaral.
———————————————————–
Galing sa book na Kritikal na Pagbasa at Lohikal na Pagsulat Tungo sa Pananaliksik nina Rolando Bernales et al. Naka-summarize lang yan, report ko kasi kanina. Tsaka kaya kabanata 5 lang yan kasi nga report ko. Hehe.
HI MHHIGS
thank you sa gumawa nito!!!report qo kc yan ehh..tom!sana yung paliwanag din meron sa LAGOM at KONGLUSYON!!!kc sa 22o lng twisted n tlaga aqo…=(
thank u,,,report din nmin yan ehh,,,hehe
wala ng iba??
tnx d2 ah.. nkatulong tlga 2 sken..
Thanks a lot…It really helps! More powerrr!
paano poh gumawa ng pamanahong papel….?
it really help me a lot…
thanks..
haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaiiiiiiiiiii..maraming salamat!!!sa wakas natapos rin ang aking report>>thnx sa sources..
salamat sa gumawa nito..
pwo sana sa mga nag view nito wag nyo copy paste huh?
gumawa kau ng inyo direction nyo lng sana 2 ^^
thanks hirap talaga kung walang hanguan nakatulong kayo sa aking pamanahong papel kaya salamat and more power
pno gumawa ng rekomendasyon?
wla lng kulang
huhuhu
paano gumawa ng kabanata 5
paano gumawa ng kanata 5
salamat sa impormasyong ito..nakatulong talaga ito sa paggawa ko na aming research paper sa fil112… Ngunit mas epektibo sana kung may ipinakitang halimbawa…sa kabila nito salamat talaga..
salamat sa guide